"...may mga kataga, ideya, pananaw at kung ano-ano pang bagay na abnormal na inyong matutunghayan na maaaring ang may akda lamang ang nakakaintinde. Kung sakaling ito'y inyong maintindihan, ito'y isa lamang na malinaw na manipestasyon na kayo din ay isang ABNORMAL..."
mag kamay ay mas mainam pa...






ako...
isa akong abnormal na nilalang...
malansa...
gaya ng mga sirena...
gaya ni dugong...


<< January 2012 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Tuesday, October 19, 2004
Likido

by: Valiant Bocaocan Jr.
pegasus special issue 2002

Kailan nga ba ang huling pagkakataong ginamit mo ako? Matagal na siguro. Di mo na matandaan.
Bata pa ako nun, si lolong sekyu, teen-ager pa. Naaalala ko pa nung nakikita kita, kasama ang mga kaibigan mo. Masaya kayong nag-uusap sa mga daraanan sa labas ng mga silid aralan. Tila kayo'y mga tipklong na umiindayog kung magsanay ng bogie at tango. Tila rin mga buwitreng pinapaso sa singit kung magsitakbuhan papasok ng silid aralan kapag nariyan na si sir o madam.

Sa daraanan ring iyon tayo nagkakilala. Sa simula'y nag-aalangan ka pa. Ngunit sa bagay, bakit nga naman hindi. Sa porselana kong pangangatawan, sa malinis kong tindig, sa mamasa-masa kong labi...Sino nga namang nilalang ang hindi mangingimi. Binuo mo ang iyong loob, muntik mo na nga akong malapitan. Ngunit sa huling sandali ay inawat mo ang iyong sarili, mistulang pinigil ang dinarama ng loob. Tiniis mong makitang hinahagkan ako ng iba, na mas naunang itinapat sa akin ang kanyang dinaramdam. Matagal na siyang nagnasa, wala na akong nagawa. Tulad mo at tulad ng iba pa, dito rin kami nagkakilala. Lubos silang mararahas, mapupusok, mga baboy. Mangiyak-ngiyak kang tumalikod, at bigong humayo ng papalayo.

Ngunit di ka pinanghinaan ng loob. Mapagtimpi kang naghintay sa muling pagkakataon. Medyo Matagal, ngunit alam mong darating din. Sa wakas, nagbunga ang iyong pagtitiyaga. Nagkrus uli ang ating landas. Maaliwalas, tahimik, pingpala ang oagkakataon. Ilang sandali lamang ay kapiling na natin ang isa't-isa, habang ang lahat naman ay abala sa loob ng mga silid. pinagtagpo mo kaagad ang ating mga labi. Isang halik na tumugon sa matagal mo ng paghahanap sa isang katulad ko. Dahan-dahan ngunit magaan mong linuwagan ang aking lagusan, kung saan ang iba noong una ay sadyang nahirapan. Hindi ka pa nakuntento roon. Biglang tuminilamsik ang makintab na likido't walang pakundangan mo itong nilunok. nangalay ka ng husto, ngunit bakas naman sa iyong mukha ang labis na kaligayahan. Naibsan ang iyong pagkatigang kahit na sa panandalian lamang.

Sa loob ng mahabang panahon ay itinuring akong parausan ng buong. Mapaguro, karpintero, empleyado, guwardiya, pari, at kadalasan, mga estudyanteng katulad mo, ay naalayan ko na ng serbisyong ako lamang makakapagbigay. Ang iba'y mga disente, ang iba'y tila mga demonyo kung babayin ako. Nagpatuloy pa ang ganito sa loob pa ng ilang mga taon, hangang unti-unting dumating ang lahat sa hangganan. Ika nga, gaano man kalalalim ang bukal, kusa rin nanunuyot.

Lolo na ang dating sekyu. Ako ngayon, eto, "loose thread" na kung karanasan man lang ang pag-uusapan. Wala na ngang pumapansin sa'kin, di tulad noon, ako ang takbuhan ng lahat. Sino pa ba naman ang papatol sa ganito, ang dumi-dumi na ng ayos ko. Baka raw mahawaan ko pa sila ng bad breath dahil pinamumugaran daw ng mikrobyo ang labi ng gripo ko. Dating mamasa-masa, ngayon, tuyot na tuyot at gapatak na lang ang lumalabas, sira na kasi ang gasket na lagusan ng tubig kaya di na maluwagan. Puro lumot na lang at marka ng plema ang makikita, nalagas na ang dating kinis ng porselana kaya pinandidirian ng mga feeling sosyal. Pati ang mga tubo ko at yung purifier, bugbog sarado sa kalawang.

Wala ng gumagamit sa akin, wala ng nagpaparaos ng uhaw. Kailan nga ba ang huling pagkakataong ginamit mo ako? Matagal na di muna matandaan.

Mabuti napadaan ka. Bakit nga pala naririto ka?labingpitong taon na ang nakalipas mula ng ikaw ay
grumadyet. Ah. Dinalaw mo ang anak mo. Pagbawalan mo syang lumapit sakin, tiisin niya na muna ang huwag pumindot. Baka mapahiya siya Miyerkules pa naman ngayon.


(isang tugon para sa pagsasabago ng mga water fountains sa loob ng Unibersidad)
























 

Posted at 05:56 am by tinapa
Make a comment